DANIEL PADILLA: Nanay ko po yung tinitira! Ako, kaya kong pumatay para sa magulang ko!!
Sobra-sobra na ang pambabastos kay Karla Estrada sa Twitter at Facebook
Speaking of Daniel, naglabas ito ng sama ng loob sa press after the presscon.
Grabe na raw kasi ‘yung pambabastos sa kanyang nanay na si Karla Estrada sa mga social networking sites.
“Hindi lang sa akin, tungkol sa pamilya, iba-iba.
Pero, ang sa akin naman, kung minsan, mukha naman ako masyadong mayabang.
Nanay ko na ‘yung binabastos, e.
Kumbaga, kaya mong pumatay para sa nanay mo, e. Lahat kaya mong gawin para sa nanay mo.
“Kaya siguro ang tingin nila sa akin medyo maangas, mayabang, ganyan.
Pero may sari-sarili naman tayong personalidad, di ba? Basta foul, sobrang foul ‘yung sinabi sa ermats ko.
Sobrang bastos lang kasi.
Isipin n’yo, ilang taon ka lang, binabastos na ‘yung magulang ng isang tao,” dire-diretsong sabi ni Daniel.
Sabi nga namin, that’s the price he has to pay dahil sa tinatamasang kasikatan
. But sabi nga ni Daniel, tao lang din siya na nahe-hurt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.