Kim Domingo kay Heart: Totoong tao siya at super kalog din!

 

TINATADTAD man ng mga dudera’t dudero ang nakaraan ng sexy star na si Kim Domingo, nakatagpo naman siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Heart Evangelista-Escudero.

Dahil lagi ngang magkaeksena ang dalawang Kapuso stars sa teleserye nilang Juan Happy Love Story sa GMA ay naging magkaibigan na rin sila. Puring-puri nga ni Kim ang professionalism ni Heart at ang pagiging malapit din nito sa production.

Inamin din ni Kim na ngayong malapit nang matapos ang kanilang serye kasama si Dennis Trillo nakakadama na nga ng separation anxiety ang bagong Pantasya ng Bayan.

“Isa si Heart sa nakapa-down to earth na artistang nakatrabaho ko. Super kalog pa kaya masarap siyang katrabaho at kaeksena. Siguradong mami-miss ko siya, pati na yung ibang mga kasamahan namin,” pahayag ni Kim.

 

Read more...