Babala kay Sharon: Umiwas na sa masasarap na pagkain, tiis-ganda lang

sharon cuneta

ISANG kaibigan namin ang nakakita kay Sharon Cuneta kamakailan sa ABS-CBN. Malaki na nga raw ang ibinagsak ng timbang ng Megastar, kitang-kita raw ‘yun sa kanyang dating nagmumura sa laking balakang na ngayon ay lumiit na, pati raw ang mga braso ni Sharon ay halatang malaki ang iniimpis.

“Malaki na talaga ang ipinayat niya, mapapansin naman ‘yun, pero huwag naman sanang maging OA ang iba sa pagsasabing sobrang pumayat na si Sharon. “Malaking timbang pa ang kailangan niyang ibagsak, malaking babae na kasi talaga si Sharon, kaya hindi siya puwedeng pumayat nang mabilisan.

“Kapag malaki ang tao, matagal bago siya makapagbagsak ng weight. Kalat na kalat kasi ang taba niya, marami siyang anggulong dapat ayusin, paisa-isa lang ang process nu’n. “Nakakatuwang malaki na nga ang ipinayat ni Shawie, pero matinding discipline ang kailangan niyang gawin, tiis-ganda talaga ‘yun,” kuwento ng aming source.

Walang problema sa mukha ang Megastar, isa siya sa mga artistang may make-up man o wala ay magandang-maganda, lalo na ang kanyang ilong na napakaganda ng gapang at lapirutin mo man ay magsisisigaw na hindi ‘yun retokado.

“Konting-konti na lang at makababalik na si Sharon sa ideal weight niya. Huwag lang uli siyang kakain nang maganang-magana at isang araw, isang bagong Sharon na ang haharap sa publiko,” pagpapatunay pa ng aming source.

Read more...