Depensa ni MARVIN AGUSTIN: Wala po akong konek sa sindikato ng droga!
MORE than a month ago na yata nang nasabit ang pangalan ni Marvin Agustin sa isang kontrobersiya tungkol sa droga dahil ayon sa mapagkakatiwalaang report, kasama si Marvin ng isang grupo na nahuli ng mga otoridad kung saan nasamsam diumano sa bag ng isa nilang kasamahan ang malaking amount ng shabu na nagkakahalaga ng P2 million.
Na-shock kami siyempre sa balitang iyon na agad na-blackout for some reasons.
Hindi talaga sumabog ang news item na ito sa hindi natin alam na kadahilanan.
We waited for Marvin to speak up to clear his name – kasi nga, puwede naman talagang mangyari iyon kahit kanino man sa atin.
Puwedeng hindi mo naman talaga alam na ang kasama mo ay may kabulastugang ginagawa sa buhay at nadadawit ka lang nang walang kalaban-laban.
Maaaring isa nga sa mga kagrupo nila ay may “karga” na hindi nila alam – ang mahalaga ay wala sa possession niya ang nasabing droga, tama?
Lumipas ang maraming araw na wala tayong balita sa isyung iyon. As in news blackout talaga.
Finally ay nagkaroon ng chance ang press friends nating mausisa si Marvin about that issue.
Tahasang itinanggi ni Marvin na siya ‘yung Marvin na tinutukoy na kasama ng grupo.
Namesake lang daw niya iyon.
“Kung namesake lang ni Marvin iyon, bakit nagka-news blackout?
Nakakaduda, di ba?
The fact na totoo palang nangyari iyon at kung totoong namesake lang ni Marvin Agustin ang kasama sa pagkahuli na iyon, bakit hindi inilabas agad sa media?”
“The more ngang puwede nilang isiwalat ang isyung iyon dahil mas magiging interesante nga iyon sa viewers or even sa readers dahil kapangalan ng artista ang involved, di ba?”
“Or halimbawa man na totoong si Marvin ang kasama sa pagkahuli na iyon, puwede naman niyang pabulaanan agad dahil inosente naman talaga siya, di ba?
Bakit itinago ang balitang iyon?
Nalagyan ba ang mga pulis o ano? Pakitanong nga!” reaksiyon ng isang nakabasa ng pag-deny ni Marvin.
Pati kami tuloy ay nagduda rin.
We trust Marvin na totoo namang hindi naman niya itataya ang pangalan niya sa isang ilegal na gawain, we believe him that he’s never into that kind of stuff pero regarding the incident na kasama siya sa sasakyan that time nang ma-apprehend ang may-ari ng bag na naglalaman ng droga diumano, naniniwala kami in a way.
Malay naman ni Marvin na may dalang droga ang kanyang barkada, di ba?
Or baka nilinis na lang nila ang isyu para hindi masira ang name ni Marvin the actor or baka malakas o mayaman talaga ang mga barkada niyang nahulihan nito.
Maraming ganyan sa bansa, ‘no! Dito naman sa atin, pag malakas ang kapit mo, madaling lumusot sa anumang gusot.
Huwag ka lang gawing sacrificial lamb, kahit makapatay ka pa absuwelto ka for sure.
“The fact na hindi naman itinanggi ni Marvin na aware siya sa pangyayaring iyon, bakit hindi niya agad nilinis ang name niya?
Kung ako sa katayuan niya, after kong marinig halimbawa ang ganitong issue na idinadawit ang name ko, right there and then lilinisin ko agad ang name ko.
“Sasabihin ko sa kanila na hindi ako ang tinutukoy nilang Marvin Agustin na involved sa kaso, it’s someone else.
Pero bakit hindi siya nagsalita noon?
“Kung talagang hindi siya iyon, can someone from Caloocan stand up and say na siya ‘yung tinutukoy na Marvin Agustin na kapangalan lang ng aktor?
Sige nga. I’m challenging Marvin na palutangin with proper identification ‘yung sinasabi niyang namesake lang niya para paniwalaan natin siya.
Nagtataka lang talaga kami,” hamon pa ng kausap namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.