MARAMING humihiling na sana, ngayong nagpalit na tayo ng administrasyon, ay umusad na ang pagdinig sa mga kasong isinampa laban kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla.
Dalawang taon na silang nakapiit nu’ng nakaraang Hunyo, napakatagal na nilang nagdurusa, pero napakabagal nang ikot ng gulong ng hustisya para sa kanila.
Sa maraming isinangkot nu’n sa kasong kinapapalooban ni Janet Napoles ay silang dalawa lang ang pinag-initan, ang isa pang senador (Senator Juan Ponce Enrile) ay pinalaya na dahil sa edad nito, kaya ang tanong ngayon ng mga tagasuporta ng dalawang aktor-pulitiko ay kailan naman kaya sila mabi-
bigyan ng pagkakataong makalaya na rin?
Umikot ang gulong ng kapalaran, ang sinasabing nagdiin sa kanila nu’n na si dating Secretary Leila De Lima na senador na ngayon, ang nalalagay naman sa sobrang ala-nganin at kontrobersiya tungkol sa diumano’y pagtanggap nito nang milyun-milyong piso na galing sa droga.
Naglabas na ng kanyang saloobin si Senador Jinggoy, emosyonal ang FB post niya, sinusumbatan ng aktor-pulitiko ang mga ipinapahayag ngayon ng senadora tungkol sa mga ibinibintang laban sa kanila.
Balitang pabubuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ni Ginang Napoles, umusad na sana nang mabilisan ang imbestigasyon, para ang hiling ng mga pa-milya at tagasuporta nina Senador Jinggoy at Senador Bong ay magkaroon na nang linaw.
Wala raw preno ang gulong ng kapalaran. Walang makapipigil sa nakatakda na.