Regine may hamon kina Gloc9, Ate Gay at Valeen

regine groupMARAMING bibisita sa bahay ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva ng GMA 7.

Rapper Gloc9 is in the house at makikigulo sa tropa nina Ate Gay, EJ at Valeen Montenegro! Sasamantalahin na nila ang pagkakataon para magpa-mentor sa kanilang ultimate idol. Magawa kaya nila ang challenge ng Songbird this time?

Para naman sa pananghalian, maghahanda si Regine ng isang dish na love na love nating mga Pinoy, ang adobo! Makisalo sa sarap ng kainan at tikman ang masarap na pananghalian na maaari n’yo ring i-try sa inyong tahanan.

Kaya join na kayo sa masarap na kainan, kuwentuhan at kantahan, na may kasama pang rap-rapan sa Sarap Diva, ngayong Sabado pagkatapos ng Maynila!

Read more...