Kris nasampolan ng mas istriktong pagbibigay ng guaranteed contract

kris aquino

ANO at saang direksiyon ang tinatahak ngayon ng Philippine television, partikular sa mga programa at mga artistang kabilang sa mga pangunahing istasyon?

Maliban sa government-owned station na Channel 4 which is here to stay under anyone’s six-year leadership, disturbing—if not scary—ang mga developments na aming naririnig from people working with the Kapamilya, Kapuso and Kapatid Networks.

Over at ABS-CBN, si Kris Aquino umano ang nasampolan ng 50% slash off her talent fee in her guaranteed contract, bagay that didn’t sit well with her hence her egress from the station. If this applies to every big star, may sumunod kaya kay Kris?

Almost similar to this new policy ay ang ipinatutupad umano ng GMA which applies to stars na nakapirma ng guaranteed income. Dinig namin, ang artistang covered ng kontratang ito ay limitado lang sa dalawang shows sa loob ng isang taon.

With the current trend where a show only runs for one season, lumalabas na may kikitain lang ang artista within an interrupted period of six months. At sa kalahating taon, maliwanag na nganga.

ETV-produced shows are slowly being eased out on GMA with the takeover of its news and public affairs department (maliban sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales na nanganganib matigbak sa ere). Dapat kabahan ang mga artista ng GMA who are likely to go jobless sa rami nila.

May downside rin pala ang kasabihang, “The more, the merrier.” Walang iniwan ito sa pagrarasyon ng pagkain sa isang truck ng mga refugees when a piece of hopia is only up for distribution.

Lastly, mukhang wala nang natitira pang ETV show sa TV5 except that it has become the most preferred channel when it comes to sports. Sayang dahil nabigo ang istasyon na i-sustain ang nilikhang ingay nito when Viva Entertainment joined the fray. Even its blocktimers had disappeared in limbo.

Isa lang ang maliwanag: unless you’re employed with a TV network, huwag ka nang umasa sa tinatawag na security of tenure.

Read more...