Dialysis kaya bang sagutin ng ECC?

ISANG pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay isang empleyado ngunit dahil sa sakit kong diabetes ay nagkaroon ng kumplikasyon sa aking kidney kaya ako ngayon ay nagda-dialysis na.

Ask ko lang po kung natapos ko na po ang 90 days para sa coverage ng Philhealth ko, ano ang mangyayari?

May nakapagsabi sa akin na pwede raw po itong i-cover ng Employees Compensation Commission o ECC. Malaking tulong po ito para sa akin. Sana ay masagot ang aking katanungan. Salamat po.

Imelda Baldenor

REPLY: Base sa iyong katanungan Ms Baldenor, maaari po kayong magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS. Kinakailangan po kasi ng letter of guarantee for purposes of verification at dito malalaman kung nagamit mo na ang 90 session days na ibinibigay ng Philhealth.

At kung natapos na ang benepisyo mula sa Philhealth ay sagot na ng ECC ang dialysis subali’t ang benipisyong ito ay para sa work related lamang o may kaugnayan sa trabaho ang dahilan ng pagkakasakit.

Sa may mga katanungan, maaaring tumawag o bumisita sa ECC Office Address: 4th & 5th Floor, ECC Building, 355 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City, Philippines.
Hotline Telephone Nos.
(632) 899-4251; 899-4252; 899-5451; 897-0526; 897-0738;
896-4326; 890-7391; 890-1073; 890-1954; 890-1067
Fax No. (632) 897-7597
Email Address: ecc_mail@yahoo.com
Facebook Page: facebook.com/ecc.official

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Read more...