Sunshine sa mga basher ni Alden: Bakit nakatrabaho n’yo na ba siya? Hindi, di ba?

sunshine dizon at alden richards
IPINAGTANGGOL ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon si Alden Richards laban sa ilang netizens na galit na galit sa Pambansang Bae.

May followers kasi si Sunshine na nagsabing hindi raw marunong makisama si Alden sa kanyang mga katrabaho at diumano’y yumabang na raw ito bukod pa sa kanyang attitude problem.

Nagsimula ang pagkokomento nang hindi maganda ng ilang followers ni Sunshine nang mag-post siya ng picture nila ni Alden sa Instagram na kuha sa nakaraang PEPList Awards night.

Nilagyan niya ito ng caption na: “You deserve all the blessings @aldenrichards02. Congratulations! Always keep your feet on the ground and you will surely go places. Simula pa ng Mundo mo’y akin hangang ngayon ay talaga namang wala kang pinagbago. Proud na proud ako sayo. #latepost!”

Dito na nag-post ng mga negatibong komento ang mga basher ni Alden na sinagot naman ni Sunshine ng, “@KathnielRules26 @showbiz_Pools nakatrabaho mo na ba siya? Hindi di ba? Fyi Alden is one of the nicest and down-to-earth actors in the biz.”

Read more...