Bistek, utol na si Hero kinasuhan dahil sa droga | Bandera

Bistek, utol na si Hero kinasuhan dahil sa droga

- August 26, 2016 - 03:37 PM
KINASUHAN si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Office Ombudsman ng dishonesty at neglect of duty dahil sa talamak na droga at pagbagsak ng kanyang kapatid na si Councilor Hero Bautista sa drug test para sa mga opisyal ng gobyerno. Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) lumabag ang magkapatid sa Executive Order 292 o Administrative Code for dishonesty, neglect of duty, misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service as public official.   Sa isang panayam, sinabi ni VACC Chairman Dante Jimenez  na dapat managot si Bautista sa problema ng droga sa lungsod at maging ang sunod-sunod na pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug pusher.   Idinagdag ni Jimenez  na nagbubulag-bulagan si Bautista sa kabila ng pagkakalulong ng kapatid sa droga. Samantala, sinabi ni Jimenez na dapat nang magbitiw sa puwesto si Councilor Bautista imbes na magbakasyon lamang ng isang buwan matapos bumagsak sa drug test. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending