7-0 start puntirya ng TNT KaTropa Texters | Bandera

7-0 start puntirya ng TNT KaTropa Texters

Melvin Sarangay - August 26, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Mahindra vs TNT KaTropa
7 p.m. Phoenix Petroleum vs NLEX
Team Standings: TNT KaTropa (6-0); Barangay Ginebra (5-2); Mahindra (5-2); San Miguel Beer (5-2); Meralco (5-3); Rain or Shine (3-3);  NLEX (3-4); GlobalPort (2-4); Phoenix Petroleum (2-4); Alaska Milk (2-5); Star (1-5); Blackwater (1-6)

MASUNGKIT ang ikapitong diretsong panalo at manatiling walang talo ang asinta ng TNT KaTropa Texters sa pagsagupa sa Mahindra Enforcers sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup elimination round game ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magsasagupa ang Texters at Enforcers sa unang laro dakong alas-4:15 ng hapon bago sundan ng salpukan sa pagitan ng Phoenix Petroleum Fuel Masters at NLEX Road Warriors sa ganap na alas-7 ng gabi.

Nanatiling walang bahid ang kartada ng TNT KaTropa matapos masungkit ang ikaanim na diretsong panalo laban sa Phoenix Petroleum, 124-117, noong nakaraang Biyernes.

Ang Mahindra ay magmumula naman sa 97-88 pagwawagi kontra Blackwater Elite noong nakaraang Linggo na pumutol sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo.

Muling aasahan ng Texters ang import nitong si Mychal Lemar Ammons na susuportahan nina Jayson Castro, Michael Madanly, Ranidel de Ocampo, Troy Rosario at Moala Tautuaa.

Sasandalan naman ng Enforcers (5-2) ang kanilang import na si James White na makakatuwang sina Aldrech Ramos, Niño Canaleta, Paolo Taha at LA Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending