Julie Anne itatambal kay Benjamin sa bagong serye ng GMA

benjamin alves

Niluluto na ang bagong drama series na gagawin ni Julie Anne San Jose. Kahit nga mas kilala siyang singer, bilib na bilib sa kanya ang GMA Chairman na si Atty. Felipe Gozon sa kanyang versatility.

Kaya naman nang makachikahan namin si Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV ng Kapuso Network, kinumpirma niyang inaayos na ang bagong teleserye ni Julie Anne. Busy man sa pagiging singer, naniniwala pa rin si Tita Lilibeth na kayang ipakita ng Asia’s Pop Sweetheart ang pagiging aktres niya.

Siyempre, matunog ang name ni Benjamin Alves na puwedeng itambal sa singer-actress. Alam naman ng lahat ng isa ngayon sa masugid na manliligaw ni Julia Anne ang Kapuso hunk actor, huh!

Read more...