Sunshine di idadamay ang pamilya ng ex sa paghihiganti

sunshine dizon

Sinampahan man ni Sunshine Dizon ng kaso ang ama ng kanyang mga anak na si Timothy Tan, aminado ang Kapuso actress na malapit pa rin siya sa father in law niyang si Lito Tan. Nadarama pa kasi ng aktres ang pagmamahal nito kahit may probelema silang mag-asawa.

“He just really missed ‘yung mga apo niya. I’ve never had a problem with the family of Tim, lalo na sa aking father in law. He is a very decent man and he’s like my second father. “Ayokong maapektuhan ‘yung relasyon ko sa kanya or ‘yung relasyon ng anak ko sa father in law ko,” pahayag ni Sunshine.

Iba naman daw kasi ang relasyon niya sa kanyang estranged husband sa kanyang in law kaya hindi naman tama na idamay niya ito sa “paghihiganti” sa kanyang nakahiwalay na asawa.

Read more...