Walang manloloko kung walang magpapaloko | Bandera

Walang manloloko kung walang magpapaloko

Susan K - August 26, 2016 - 12:10 AM

MATANDANG kasabihan na nga ba ito?

Ngunit sa kabila ng modernong panahon, mga makabagong teknolohiya, mabilis na pagkuha ng mga impormasyon, marami pa rin ang mga manloloko at nagpapaloko.

Tulad na lamang nang mas pinaiigting na kampanya ng pamahalaan kontra illegal recruitment, may mga gusto pa ring makalusot.

Naaresto kamakailan si Rollend Nicole Tecson, hinihinalang miyembro ng isang sindikato at nagpapanggap pang abogado, ngunit ang katotohanan, isa lang pala siyang illegal recruiter.

Nasakote si Tecson ng National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division sa Terminal 1 ng NAIA kasama ang isang babaeng pinaniniwalaang kanyang biktima.

Modus operandi ni Tecson at mga kasamahan niya ay ang mag-alok ng trabaho sa mga kababaihan patungong Saudi Arabia bilang domestic helper, ngunit pinaaalis nila ang mga iyon gamit ang tourist visa at sa Thailand ang destinasyon bilang mga prostitute.

Matapos maaresto si Tecson umamin itong may kasabwat siya sa Phillippine Overseas Employment Administration (POEA).

Aba’y dapat kaagad masibak at ipakulong ni Administrator Hans Leo Cacdac ang itinuturong kakutsaba ni Tecson. Dahil taga-POEA ang kasabwat kung kaya’t mas madaling naisasakatuparan ang kanilang krimen.

Lahat kasi ng dokumentong kakailanganin ng isang papaalis na OFW patungong abroad madaling makuha nito sa POEA.

Magmumukha nga namang lehitimo ang kanilang operasyon dahil kumpleto ang dokumento ang narecruit.

Hindi ito maghihinalang biktima siya ng mga illegal recruiter dahil sa mga dokumentong ipinabibitbit ng nagpapanggap pang abogado na si Tecson.

Ang mga kababayan pa naman natin, kapag naipakilala sa isang abogado bilib na bilib agad, lahat na lang ng sasabihin nito ay pinaniniwalaan.

Kaya itong si Atty. ek ek Tecson gusto na ring panindigan na abogado nga siya dahil sa mga panahong inaaresto siya, ang lakas ng loob na magpakilalang abogado daw siya, gayong hindi naman pala.

Panawagan natin sa ating mga kababayan, sa mga kababaihan lalo pa na huwag agad-agad maniwala at walang mawawala sa kanila kung sila’y magtatanong at palaging sundin ang tamang proseso ng recruitment.

Dapat sa isang lisensiyadong recruitment agency lamang nag-aaplay at sa opisinang naka-rehistro sa POEA. Hindi pupuwedeng kung saan-saan lamang. At kahit pa ayos na ang lahat na mga dokumento, ipa-double check. Magtungo sa POEA kung lehitimo ang mga papeles nitong hawak.
Madalas banggitin ni Administrator Cacdac na maging matalino at huwag magpaloko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail:[email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending