Online system ng POEA | Bandera

Online system ng POEA

Liza Soriano - August 26, 2016 - 12:10 AM

SIMULA Setyembre 15,2016 , ipapatupad nang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang online registration system para sa mga seafarer.

Ang pagpapahusay ng sistema ay naayon sa layunin na mabigyan ng mabilis at maayos na serbisyo ang mga overseas Filipino workers (OFWs),”

Inaprubahan ng POEA Governing Board Resolution No. 13 Series of 2016angpagpapatupad ng registration.

Inaatasan ng resolusyon ang POEA na palitan ang Seafarers Registration Certificates (SRC) ng online seafarers’ registration.

Ang online SRC system ay naayon sa direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte sa lahat ng opisina ng pamahalaan na muling pag-aralan ang mga sistema upang maiwasan ang duplikasyon ng gawain, alisin ang mga pila, at ayusin ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Makikinabang sa online registry ang may 50,000 aplikanteng SRC kada taon , at matatanggal ang mahahabang pila sa mga opisina ng POEA.

Ang online seafarer registry ay magiging daan sa pagbubuo at pagpapatupad ng universal identification system para sa mga Filipino seafarers.

Nilalayon na magkaroon ng universal ID system para sa lahat ng seafarer na kikilalanin ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at sa mga Port States batay sa ILO Convention No. 185 o ang Seafarer’s Identity Document Convention.

Administrator
Hans Leo Cacdac
POEA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending