Pelikula nina Coco at Vice aabot sa MMFF deadline

VICE GANDA AT COCO MARTIN

VICE GANDA AT COCO MARTIN

SAGAD-SAGARAN ang magaganap na shooting para sa 2016 MMFF entry nina Vice Ganda at Coco Martin under the direction of Joyce Bernal.

Noong makahuntahan namin si direk Joyce sa 77th birthday party ni Mother Lily Monteverde, sinabi nitong magsisimula pa lang this week ang shooting ng wala pang title nilang entry.

Pero confident si direk Joyce na aabot sila sa Oct. 31 deadline ng MMFF committee dahil maganda ang mga iskedyul na ibinigay sa kanya nina Vice st Coco kahit parehong super busy ang mga ito.

Kaya naman ilang araw din nating hindi mapapanood sa It’s Showtime si Vice at malamang doble kayod din ang FPJ’s Ang Probinsyano lead na si Coco sa paglagare sa dalawa niyang malalaking proyekto.

Read more...