Bagong jowa ni De Lima ibinuking ni Digong

IBINUNYAG nitong Miyerkules ni Pangulong Rodrigo Duterte na may bagong karelasyon si Sen. Leila De Lima, ilang araw makaraang isangkot ang dating driver-lover ng opisyal sa iligal na droga sa National Bilibid Prison (NBP).

Sa press conference sa Taytay, Rizal, pinangalanan ni Duterte ang umano’y bagong boyfriend ni De Lima na isang “Warren,” isang hagad ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ani Duterte, mismong si dating MMDA chairman Francis Tolentino ang nagbuking kay De Lima matapos umanong magpadala ng sulat ang noon ay Justice Secretary kay Tolentino hinggil kay Warren.
Niliwanag niya na walang kaugnayan si Warren, na may asawa na umano, sa droga.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na anim na pangalan ang sangkot sa matrix na mag-uugnay kay de Lima sa umano’y operasyon ng droga sa Bilibid.
May binanggit din si Duterte na isang “Dayan” na kasama sa drug matrix.
Idinagdag ng Pangulo na dati nang nasentensiyahan ang gobernador na kasama rin sa drug matrix.
Nangako naman si Duterte na pangangalanan ang mga personalidad na kasama sa matrix anumang araw ngayon.

Read more...