De Lima sinabing kasinungalingan ang umano’y pagkakasangkot sa droga

de lima

MULING itinanggi ni Sen. Leila de Lima ang pagkakasangkot sa iligal na droga.
“Alam n’yo ‘yung aking mga malalapit na kaibigan tsaka pamilya, ang advice nila sa akin huwag na daw po muna akong nagsasalita tungkol sa issue na ‘yan kasi parang walang katapusan,” sabi ni de Lima.
Ito’y matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas siya ng isang matrix na nagpapakita ng umano’y partisipasyon ni De Lima sa droga.
“Ang pwede ko lang masabi ho ngayon, I say it again, those accusations against my alleged drug links are complete falsehood and absolute lie,” giit ni De Lima.
Itinuloy naman ni De Lima noong Lunes at Martes ang imbestigasyon kaugnay ng extra judicial killing sa kabila ng mga akusasyon ni Duterte laban sa kanya, kung saan nagpresinta pa siya ng mga testigo na nagdadawit sa mga ilang pulis sa pagkamatay ng ilang isinasangkot sa droga.

Read more...