Barangay at SK elections posibleng ipagpapaliban

     house of rep
Wala pang opisyal na posisyon ang Kamara de Representantes subalit patungo umano sila sa pagpapaliban ng eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktobre 31.
    Ayon kay House committee on suffrage and electoral reforms chairman at CIBAC Rep. Sherwin Tugna magsasagawa ng pagdinig ang kanyang komite sa susunod na linggo kaugnay ng pagpapaliban ng eleksyon.
     “As a result of consultations with them (majority of lawmakers), they are in favor of resetting the barangay and SK polls,” ani Tugna. “But this is unofficial, we are awaiting the majority to take the official stand on the matter, possibly during a caucus.”
     Sinabi ni Tugna na siya at marami pang kongresista ang naghain ng panukala upang ipagpaliban ang naturang eleksyon.
     “Congress is well-aware of the possibility that ballots for the SK and barangay elections are being printed already. But based on my information and monitoring in Comelec, there are only a few ballots that have been printed and the papers used can still be recycled. Through recycling, there will be no waste of paper and no waste of public funds.”
    Ayon naman kay Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez dapat pag-aralan ng mabuti ang barangay at SK upang makapaglagay ng mga reporma at maging epektibo ang pagseserbisyo ng mga ito.
     “We can also study the proposal to ensure that necessary reforms in barangay and SK are put in place before another polls for these are held,” ani Romualdez.
      Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na maaaring gamitin muna sa ibang mahalagang proyekto ang budget kapag nailipat ang araw ng eleksyon.
     “The billions of pesos that can be saved by the deferment can be used for other worthwhile government projects like construction of public roads, school buildings, scholarship programs and other endeavors.”

Read more...