Jake nag-iba ang kilos at itsura, kamukha na ni BB Gandanghari

jake cuenca at bb gandanghari

VERY strange para sa amin ang bagong look ni Jake Cuenca when he guested sa Tonight With Boy Abunda last Tuesday. Halos hindi namin siya nakilala noong naglalakad siya nang nakatalikod papasok ng studio ng TWBA.

Nag-guest siya sa program ng King of Talk na si Boy Abunda para sa promo ng anniversary episode niya for Ipaglaban Mo. Habang nakasalang si Jake at iniintebryu ni Kuya Boy, pansin agad ng ilang audience ang hitsura at galaw ni Jake.

Mas mahaba na ang curly hair niya ngayon compared noong ginagawa niya ang eryeng Pasion de Amor sa ABS-CBN.

Nakakapanibago hindi lang ang hitsura ni Jake kundi pati nuances and actions niya specially ang paggalaw ng kanyang mga kamay. Ayon pa nga sa isang nasa studio may hawig na siya kay BB Gandanghari.

But one major thing na kita agad sa mga mata ni Jake that night, he’s so in love and very happy. Nagkabalikan kasi sila ng New York-based model na girlfriend niya, si Sara Grace Kelley. Pagkatapos maghiwalay noong December last year, muli nilang napatunayan sa isa’t isa that they still love each other.

Si Sara raw ang unang tumawag sa kanya from San Francisco telling her how she appreciated so much ang pagpunta ni Jake sa New York to see her. Doon na-realize ni Sara how much Jake loves her. Kaya naman nag-spark ulit ang feelings ni Sara for Jake at siya na mismo ang tumawag sa Kapamilya star.
At kahit malayo sila sa isa’t isa, they will keep the fire burning sa kanilang long-distance relationship.

Read more...