Robin inupakan sa pagtatanggol sa mga artistang nagdodroga

robin padilla

ROBIN Padilla’s plea to spare showbiz colleagues from humiliation dahil ilalabas na raw ang listahan ng mga celebrities na may kinalaman sa droga was met with opposition on social media.

“‘Yung mga pangalan po ng mga artista ay huwag munang ilabas, ang mga artista, mga manager, sa PNP o anumang ahensiya sapagkat ang mga artista po, tandaan po natin, mga taxpayer po sila, sumusunod din po sila sa batas. Kung anuman ‘yung kakulangan at anuman po ‘yung kanilang pagkakamali ay sana mapag-usapan.

“Pero hindi po ako nagsasalita para sa mga pusher, sorry po pero wala kayong lugar, pero ‘yun pong mga user, e, sana po mabigyan sila ng puwang dahil sila rin po ay biktima rin,” say ni Robin.

“Why make an exception? This is crazy. Ubos kung ubos,” one guy reacted. “Ano yan may favoritism? Ulol,” say naman ng isa pa.

“Hmmmm may point kayo ni Robin. Pero sana naging patakaran ito bago sinimulan ang buong kampanya. Ipinarada na nila ang mga sumukong user noong una, ngayon porke artista iba treatment,” paniwala naman ng isa pa. “Medyo iba ang opinion ko dito. Do not reveal the drug users. PERIOD. Iba yung users sa pushers.

Users often suffer from addiction which is a health condition. They are also victims. Shaming them publicly won’t help. Ang dapat tinatarget ay yung mga nagbebenta at hindi yung mga gumagamit lang. Lalo na yung mga big time na sources.

“Yun ang kailangang targetin. Pero sana hindi din mamis-interpret ang opinion kong ito. This does not mean that I support extra-judicial killings. I still believe in due process,” say naman ng isang sensible guy.

Read more...