Jon Santos nag-audition sa ‘Ako Si Josephine’

jon santos

PERO tiyak namang hindi mahihirapang makakonek ang mga fans and supporters ni Yeng Constantino sa musical play na “Ako Si Josephine”.

Mga dalawang dosenang mga likhang kanta (either siya ang kumanta o kinanta ng iba) ni Yeng ang napili ng produksyon ng PETA para sa “Ako Si Josephine”. Never na inambisyon ni Yeng ang umarte on stage pero hindi raw nito lubos na mapaniwalaang mga kanta na niya ngayon ang bibida sa isang musical play.

Although malayo ito sa totoong kuwento ng buhay ni Yeng, may mga eksena pa ring may pagkakahawig sa mga pangyayari sa buhay niya dahil base rin sa mga personal niyang experiences ang mga naisulat niyang kanta.

Mga kilalang theater actors ang magko-collaborate para sa original musical play na ito pero ang pinaka-beterano na sigurong matatawag sa grupo ay si Jon Santos na umaming nag-audition pa rin for his role.

“As an artist, hindi isyu sa akin kung among the cast members lang ako at hindi bida. This is entirely a different ball game.  “Kita ninyo naman, non-singer naman ako talaga, pero I get to sing a lot of times sa mga musical play. Nasa pag-internalize lang iyan at pagmamahal sa ginagawa mo, and of course, yung discipline,” sey pa ni Jon.

Read more...