BINATIKOS ng veteran singer na si Dulce si Sen. Leila de Lima sa pamamagitan ng kanyang Facebook account nitong nakaraang Linggo.
Ito’y may kinalaman pa rin sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa dating kalihim ng Department of Justice tungkol sa diumano’y relasyon nito sa kanyang driver/bodyguard na diumano’y kolektor ng drug money mula sa National Bilibid Prison.
Narito ang matapang na mensahe ni Dulce laban kay De Lima: “Simula’t simula sinabi nang bumitaw ka at huwag nang magsalita, kahit sikreto na lang sana isinuko mo na, heto na at lumalala, naghahamon ka pa!
“Ano? Nagpa-panic? Umiiyak? at Nagmamakaawa daw? Yung angas n’yang yun?, nadidiktahan ka pa nga. Gusto ko mang maawa pero katotohanan ang kailangang lumabas. Tama na, nagamit ka na ng husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay-sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue.
“Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident hindi ka nila kayang protektahan, only the truth can protect you. “Marami na kayong pinahirapan, marami nang buhay ang nasira pero tila wala ka nang pakialam, naging manhid ka na at hindi mo ramdam ang sakit at bigat na nararanasan ng libo-libong pamilyang biktima ng droga.
“Inalis at tinerminate mo ang mga taong tapat sa kanilang trabaho dahil lang sa ayaw sumabay sa inyo sa gusto ninyong mangyari, gusto n’yo itikom na lang mga bibig nila basta tanggap na lang milyones galing sa druglords?”
“Sorry ha, hindi talaga kaya ang magpaka BULAG PIPI AT BINGI at ipagkanulo ang bayang ito. Hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n’yo ng buhay ng ibang tao. “Kaya ang pinakamadaling paraan ay tanggalin na lang para walang hadlang sa mga ginagawa ninyo, di ba!? Nasaan na ang sinasabi mo sa sambayanan na ‘I LOVE YOU…’???
“At the back of your mind pala ‘I WILL KILL YOU’ dahil tuloy tuloy pa rin ang paglipana ng pabrika ng shabu while you served as head of the DEPARTMENT OF JUSTICE???!!!” “Nasaan ang hustisya!!! What have you done to your family’s good name? I pray you’d be jolted out from your slumber, and hope it’s not yet too late. I pray for redemption.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito, wala pang official statement si Sen. Leila de Lima. Bukas ang pahinang ito para sa panig ng senadora.