Pacman gagamitin ang powers sa senado para maibigay ang pabuya sa mga atletang Pinoy

manny pacquiao

TAPOS na ang Rio Olympics. Kani-kanyang bandera na ng mga medalyang nakuha ang maraming bansa sa katatapos lang na Olimpiyada. May isa namang nakuhang silver ang Pilipinas dahil kay Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Kundi pa dahil kay Hidilyn ay bokya na naman ang bayan ni Juan. Dalawang dekada na ang nakararaan nang huli tayong makakuha ng silver medal nang manalo si Mansueto “Onyok” Velasco sa boksing. Dapat nga sana ay gintong medalya ang napanalunan ng boksingero, pero kuwestiyonable ang kinalabasan ng kanyang laban, ang pinutakti pa nito ng suntok na Bulgarian ang tinanghal na kampeon.

Dalawang dekada pagkatapos, hanggang ngayon ay hindi pa rin napapasakamay ng boksingero ang kanyang insentibo mula sa ating pamahalaan, mabuti na lang at may upuan ngayon sa Senado ang Pambansang Kamao na siyang nagsusulong na makuha ng mga atletang Pilipino ang kanilang pabuya sa pananalo sa pang-internasyonal na labanan.

Tinutukan namin ang Rio Olympics, lalo na ang track and field, kapansin-pansin na mula sa mahihirap na bansa pang naturingan ang nangunguna sa labanan.

Ilang butil na popcorn lang daw ang kinakain ng mga taga-Ethiopia, pero sa takbuhan ay sila pa ang nananalo, ganu’n din ang mga Kenyan na matitindi ang nakaimbak na lakas sa 10,000 meter run dahil ang kanilang mga atleta ang nauuna sa finish line.

Mahirap na bansa nga, pero matindi ang pag-aalaga ng kanilang gobyerno sa mga pambato nilang manlalaro, hindi tulad dito sa atin na napapabayaan ang mga atletang halos ibigay na ang iisa nilang buhay para lang makapag-uwi ng karangalan sa ating bayan.

Read more...