Matteo ayaw madaliin si Sarah sa kasal; magpapayaman muna

sarah and matteo

BONGGA si Matteo Guidicelli dahil ka-level na niya sina ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Piolo Pascual at Judy Ann Santos-Agoncillo bilang endorser ng Sun Life Financial.

Ang ineendorso ni Matteo ay ang Sun Life Financial’s Prosperity Card na isang uri ng investment kung saan sa halagang P5,000 ay maaari nang magkaroon ng investment ang isang Pinoy.

Ayon kay Sun Life Asset Company President Valerie Pama, “By investing in mutual funds, one can make his money work harder for him, as against simply leaving all of in the bank.”

Nabanggit na hindi naman kalakihan ang kinikita ng savings account kung sa bangko lang ito nakalagay might as well i-invest sa alam mong kumikita buwan-buwan.

Naging interesado ang ilang entertainment reporters sa nasabing prosperity card lalo nang magkuwento ang Star Magic executive na si Thess Gubi na ang P5,000 niya noong Disyembre ay kumita na ng P600 pesos sa loob lang ng limang buwan.

Samantala, may mga itinayo nang negosyo si Matteo, bukod sa Italian restaurant sa Cebu at isang production house kasosyo ang ilang kaibigan heto’t nag-invest rin siya sa Sun Life.

Kaya ang tanong agad kay Matteo ay paghahanda na ba ito para sa future nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo, “Everything’s in preparation for that. You know, I’ve so many dreams to fulfill first, there are so many things I want to complete as my own, as individual kung baga.

“So, I think, I’m just gonna take a few more years and yes, siyempre, I think I found the one and yes, it’s in preparation for the future,” natawang sagot ng aktor. Ayaw din daw kasi niyang madaliin si Sarah.

Sa nakaraang Ironman competition na ginanap sa Cebu kamakailan ay wala si Sarah sa tabi ng kanyang boyfriend kaya hindi raw naging maganda ang performance ni Matteo.

“No, I just had two weeks of training sa Ironman, eh. I wanted to break five hours, ‘yun ang goal talaga namin, pero ‘yung natapos ko, five hours and 30 minutes. Okay na, pero sana, next year, sana ma-break namin ang five hours. But it was better than last year. Masaya, masaya ang Ironman,” paliwanag ni Matteo.

At hindi si Sarah ang dahilan ng pagkatalo niya, “Sisihin din natin nang kaunti. Hindi, joke lang!” bawi ng aktor.

Read more...