Aljur, Rocco, Jake, Derrick ala-magic mike

jake rocco derrick aljur

SIGURADONG mag-iinit ang buong Music Musem sa mga gagawing production numbers ng apat na male Kapuso stars para sa concert nilang “OH BOY!” na mapapanood na sa Sept. 23, 8 p.m.

Promise nina Rocco Nacino, Jake Vargas, Derrick Monasterio at Aljur Abrenica, hinding-hindi makakalimutan ng kanilang mga fans ang mga pasabog na gagawin nila sa concert at susulitin daw talaga nila ang ibabayad ng mga manonood.

Ngayon pa lang ay todo na ang pagre-rehearse ng apat para sa “OH BOY!” concert, may kanya-kanya raw silang gimik na gagawin bukod sa kanilang collaboration sa mismong show.

Bilang patikim sa mga fans, may mg karakter daw silang gagampanan sa concert: si Aljur ay isang motorbike rider, pizza boy si Jake habang naughty professor naman si Derrick at police officer si Rocco.

“Promise namin, mabubusog ang audience. Magpapakita po kami ng ano…basta, magpapakita po kami!” natawang sabi ni Aljur.

Todo voice lesson na rin daw ngayon si Rocco para masigurong maitotodo niya ang kanyang powers sa pagkanta. Nagpapasalamat sila sa GMA Artist Center dahil sumugal nga ang management para patunayan ang kanilang talento sa concert scene.

Nagbiro pa nga si Rocco na maghuhubad siya ng pants ala-Magic Mike at mang-aaresto ng magugustuhan niya sa audience.

Ayon naman kay Jake gagawin niya ang lahat para makasabay sa energy nina Rocco, Derrick at Aljur, pero inamin niyang hindi pa niya kayang lumaban sa mga kasama niya pagdating sa hubaran. Baka raw mag-boxers na lang siya sa stage.

Hindi pa raw sure si Derrick kung itotodo niya ang pagpapaseksi on stage sa gabi ng concert, pero sinisiguro niya na mag-eenjoy ang audience sa mga inihanda nilang production numbers.

“Kung ano yung mapi-feel ko that night, depende pa rin kasi sa audience, di ba? Basta ang masasabi ko lang sa tema ng concert, ‘if they want it, they can get it! Ha-hahaha!” pang-aakit pa ni Derrick.

In fairness, puro single ngayon ang apat na bida ng “OH BOY!” concert. Two years na raw walang dyowa si Aljur pero enjoy naman daw siya kahit walang lovelife.

Naniniwala naman si Rocco na maaaring maging masaya ang lalaki kahit walang girlfriend, mas maganda raw siguro na gawing priority muna ang career. Alam niyang daratting at darating din ‘yung araw na mai-in love siya uli.

Magpapakalunod daw muna ngayon sa trabaho si Jake. Sa edada na 24, okey lang daw na maging single para mas makapag-concentrate sa career.

Ganu’n din ang sey ni Derrick, mas okay na single muna siya ngayon para maibigay niya ang lahat ng atensiyon sa kanyang trabaho. May tamang panahon naman daw ang pagkakaroon ng lovelife.

Si Julie Anne San Jose ang magiging special guest ng apat na barako sa kanilang concert, with Soc Mina as their musical director and Marvin Caldito as stage director, produced by Dreamstar Events in cooperation with Bluewater Day Spa and GMA Corporate Communications.

For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld at Ticketnet outlets.

Read more...