Max Collins lalaban kay Lovi nang hubaran

max collins at lovi poe

HANDA nang makipagsabayan si Max Collins kay Lovi Poe pagdating sa paseksihan at mga daring scenes. Silang dalawa kasi ang mag-aaway para sa pagmamahal ni Tom Rodriguez sa bagong GMA series na Someone To Watch Over Me.

Eh, ngayon kasi, ganado ang Premiere Actress na magpakita ng alindog sa pamamagitan ng Instagram. Halos araw-araw yata ay may mga pasabog na sexy pictorial ang Kapuso star sa IG.

Naikuwento nga ni Lovi na marami silang maiinit na eksena ni Tom sa bago nilang series, huh!
Subalit balitang hindi rin nagpakabog si Max kay Lovi. Laban kung laban din siya sa pagpapaka-daring kaya ang winner sa labanang ito ay walang iba kundi si Tom na pag-aagawan nga nila sa serye!

Read more...