PBA player ligtas na matapos magtangkang magpakamatay | Bandera

PBA player ligtas na matapos magtangkang magpakamatay

Ambet Nabus - August 23, 2016 - 12:30 AM

mark cardona

EKSKLUSIBO naming nakapanayam ng partner kong si Gretchen Fullido last Sunday sa “Chismax” (DZMM TeleRadyo) ang sister ni Mark “Macmac” Cardona na noo’y nasa ICU ng the University of Perpetual Help Hospital sa Las Pinas.

Kilalang PBA player mula sa NLEX team si Macmac na nabalita ngang nambugbog ng live-in partner last weekend. “Normal naman sa mag-asawa ang mag-away. Medyo lumala lang last time dahil may akusasyon ngang pambubugbog at panunutok ng baril. Hindi totoo yun,” sey ng kapatid ng player na si Rowena Cardona.

Nakausap daw ni Rowena ang kapatid na gulong-gulo ang isip at nagsasabing hindi na niya kaya, “Nagkaroon na ako ng hint na meron siyang balak gawin, pero never kong inisip na magtatangka siyang magpakamatay,” dagdag pa ng kapatid.

Ayon sa nakuhang report ni Gretchen, naglaklak ng sari-saring mga gamot at tableta ang PBA player na kung hindi nga raw naagapan agad ng mga rumespondeng barangay officials ay malamang daw na namatay na ito.

Matagal nang nakikipag-live-in si Macmac at may dalawa na silang anak, pero ngayon lang daw umabot sa ganito ang pagsasama ng dalawa. Balita ring lumayas na ang babae sa bahay ng cager dala ang dalawa nilang anak.

Pero last Aug. 20 nga ay biglang naiba ang takbo ng kuwento. Nag-estabilize na raw ang kundisyon ni Macmac at dinalaw na rin ito ng kanyang live-in partner. Nakakalokang usapin sa pag-ibig, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending