Isang low pressure area na magdudulot ng pag-ulan sa bansa ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Kahapon ng umaga ang LPA ay nasa layong 370 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora. Ayon sa PAGASA makararanas ng pag-ulan sa Region 4-B (MIMAROPA), Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Aurora. Nagbabala ang ahensya na maaaring magkaroon ng flash flood at landslide sa mga mabababang lugar. Magiging maalon din sa karagatan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.