Rommel sa KathNiel: Ok lang kung mauna ang baby sa kasal, basta dapat panagutan!

kathniel at rommel padilla

Limang taon na ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at isa nga sa magiging regalo ng dalawa sa kanilang fans ay ang latest movie nilang “Barcelona” under Star Ci-nema.

Proud na proud ang KathNiel sa nasabing movie dahil talagang ginawa nila ang lahat para magustuhan ito ng mga manonood. Idinirek ito ng award-winning na si Olivia Lamasan. Ipinagmamalaki ni DJ ang akting dito ni Kath, “Sa lahat ng nagda-doubt kay Kathryn na kesyo pa-cute daw siya umarte. Eto na yun, dito kayo lahat matutunganga sa kanya.”

Sa limang taon naman nilang pagsasama bilang magka-loveteam sinabi ni Daniel na sabay silang nag-mature ni Kathryn, “Lahat napagdaanan naman ng loveteam namin ni Kathryn. From super pakilig lang tapos paunti-unti pa-drama, drama, ang ganda ng pacing namin. Talagang perfect ang lahat, walang naipilit.”

Abot-langit naman ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng KatNiel fans. Sey ni Kathryn, “Wala kami talaga dito kung wala sila.” Samantala, nakausap naman ng entertainment press ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla sa media conference para sa ineendorso nila ni Robin Padilla na Bravo Food Supplement for men kasama ang utol na si Binoe.

Isinabay na rin dito ang kanilang contract signing sa Bravo kasama ang mga bossing ng Kaufmann Pharma na sina German Panghulan (president and general manager) at Gil Caoili (product manager). Dito nga kinumusta ng mga reporter kay Rommel ang estado ng relasyon ng KathNiel. Unang tanong kay Rommel kung gusto rin ba niyang magpa-convert si DJ sa pagiging Muslim, “Nasa kanila iyon kung saan sila naniniwalang relihiyon, kung nasaan yung pananampalataya nila.”

May dalawang asawa si Rommel at may 10 na siyang anak. Pero aniya, hindi naman daw niya sinasabihan si DJ na gayahin siya. “Ako kasi, kagaya ng laging bilin namin sa kanya ng mama niya (Karla Estrada) kung ako naging ganu’n yung aking lovelife na na-ging dalawa, e hindi ko ina-advice na sundan niya yung yapak ko. Hangga’t maaari isa lang ang maging asawa niya,” aniya pa.

Okey lang din daw sa kanya kung aksidenteng makabuntis si Daniel, “Oo naman, basta ba iyan ay gawa sa pagmamahalan. Kung mauna yung baby, kung kinakailangang magpakasal, pakasal. “E, iyon ang tamang proseso. Pero sa panahon ngayon hindi na laging nangyayari iyon, e. Ang mahalaga ay dapat panagutan,” sey pa ni Rommel.

Read more...