JM tsinugi sa ‘Ang Babae Sa Septic Tank 2’ ni Uge

eugene domingo at jm de guzman

HOW true ang tsika na diumano’y nakiusap si JM de Guzman na muli siyang mapasama sa part two ng indie movie na pinagbidahan nila noon nina Uge Domi-ngo, Kean Cipriano at Cai Cortez?

Noong lumabas kasi ang balitang magsisimula nang mag-shoot ang grupo para sa “Ang Babae Sa Septic Tank 2” ay si Khalil Ramos na raw ang gaganap sa role noon ni JM, ay balitang nagparamdam sa producers ang binata.

May sariling dahilan ang mga mga taong bumubuo sa produksiyon kung bakit ayaw na muna nilang sagutin ang isyung ito, pero napakalaking hamon nga ito for Khalil lalo pa’t major role ang napunta sa kanya.

Bakit nga ba hindi ito naibigay uli kay JM? Totoo kaya ang nasagap naming tsismis na ayaw na raw makatrabaho ng production si JM dahil nga sa kinasasangkutan nitong personal problems? Hala!!!

Read more...