Ang Lalaking Mahiwaga (2)

Sulat mula kay  Cassandra ng Luyahan, Pasonanca,
Zambonga City
Problema:
1. Sa ngayon ay may isang lalaking mahiwaga na laging nagte-text sa akin na hindi ko malaman kung sino kaya ang taong ito? Lagi niya akong pinapadalhan ng sweet message at kapag tinatanong ko kung sino siya, sinasabi sa aking “secret” daw po pero matagal na daw kaming magkakilala. Paano ko kaya malaman kung sino ang ka-text mate kong ito, na ayaw magpakilala?
2. Madalas din akong makatangngap ng mga regalo sa na hindi ko alam kung sino ang nagpadala, pero sabi ng ka-text mate ko siya daw iyon. Siya kaya ang dati kong manliligaw o siya kaya iyong sinasabing lalaking matagal ng may crush sa akin o baka naman siya iyong lalaking dati ko ng crush pero hindi naman kami magkakilala ng personal? Sana sa pamamagitan ninyo makilala ko na ang lalaking ito para hindi na ako mamroblema. April 25, 1995 ang birthday ko.
Umasa,
Cassandra ng
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus ay nagsasabing ang misteryoso mong ka-text mate na ayaw magpakilala ay malamang na isinilang sa zodiac sign na Virgo.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing ang mahiwagang mong ka-text mate ay maaaring isinilang sa petsang 2, 20, 29, 7, 16 o kaya’y 25.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba, sa halip ay katamtaman lang na korteng puso, ay nagsasabing ang mahiwagang lalaking ka-text mate ay maaaring payat na maputi, mahusay magdala ng damit, laging nakasuklay na pamada o naka-gel at makislap ang buhok.
Luscher Color Test:
At higit sa lahat sa unang araw ng inyong pagkikita tiyak na ang nasabing lalaki ay nakasuot ng kulay na berde o kaya’y kulay na puting damit.
Huling payo at paalala:
Cassandra ayon sa iyong kapalaran huwag kang mainip, dahil sa panahong ito ng Agosto hanggang Setyembre sa edad mong 21 mabibisto mo na rin kung sino ang lalaking ka-text mate mo na nagtataglay ng initial na R.C. Ang nasabing lalaki ay tunay ngang matagal mo nang kakilala at paminsan-minsang nakakasalubong mo rin siya sa daan, na nakatakda ka-yong magkadaupang palad tulad nang nasabi na, sa susunod na buwan ng Setyembre sa mga piling petsang 1, 4, 13, 10, o kaya’y 28 at sa inyong unang pagtatagpo mabilis ang magaganap isang masaya, nakakikilig at pang habambuhay na suyuan ang tuluyan at nakatakda ngang mabubuo, na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Read more...