Kris binarat daw ng ABS kaya lilipat sa GMA

kris aquino 1

OVER the weekend, at least one broadsheet and a good number of tabloids carried a common headline: ang pag-alis ni Kris Aquino sa ABS-CBN at pagpirma ng managerial contract sa APT Entertainment.

In here ay ang aming karagdagang input based on Kris’ reasons that led to her surprise move mula sa isang mapagkakatiwalaang source.

How true na bukod sa shortened contract na nais lang ibigay ng Dos kay Kris ay hindi rin niya nagustuhan ang “paycut” on her talent fees? Kalahati umano ang slash ng kanyang tatanggapin, but a new directive that does not only apply to her but to the other big stars of the network.

Allow us to visualize a likely echoserye now that Kris is with APT na nasa tahanan ng GMA. APT is the producer behind GMA’s Sunday variety show kung saan kabilang si Ai Ai delas Alas, said to be Kris’ nemesis.

Pero nakikinita na naming imposibleng mapasok ni Kris ang well-guarded territory na ‘yon ni Ai Ai. Ano ‘yon, maliwanag na pambubuwisit kay Ai Ai? Saka ano’ng gagawin niya roon being a major celebrity thrown into a pit ng sanrekwang artista? At siguradong hindi rin siya papayag na mapasama sa ganu’ng show.

Ang lagay, para maipasok si Kris ay sisipain ang gumagaya sa kanya na si Barbie Forteza sa segment na StarBuzz? Eh, mas kaaliw pa nga ang “pirated” kesa sa original, ‘no!

Read more...