BB Gandanghari nagsampa ng petisyon sa US court: Change is coming!

 

DESIDIDO na ang sisteraka ni Robin Padilla na si BB Gandanghari na gawin nang legal ang kanyang pagiging babae. Sa kanyang Instagram account, nag-post si BB ng mensaheng, “Change is coming… Big time!!!” Ibig sabihin, talagang paninindigan na niya ang pagiging girl.

Kamakailan nag-file ng petisyon sa Superior Court of California ang kapatid ni Binoe para permanente nang mabago ang kanyang dating pangalan na Rustom Padilla at legal na itong maging Binibini (BB) Gandanghari.

Bukod dito, hiniling din niya sa korte ng California na baguhin na rin ang kanyang gender, mula sa pagi-ging male ay nais niyang gawin na itong female. Inamin na ni BB sa mga dati niyang panayam na isa na siyang transgender woman, ito’y makalipas nga siyang manirahan sa Amerika nang ilang taon.

Kamakailan, isa pang litrato ang ipinost niya sa IG kung saan makikitang pumipirma siya ng mga dokumento sa korte ng California. Nilagyan niya ito ng caption na: “And then…It’s really just a matter of time now.”

Read more...