Tankoua hindi na makalalaro sa San Beda Red Lions

BIGLANG naging mahigpit ang agawan para sa titulo ngayong taon ng 92nd NCAA men’s basketball tournament.

Ito ay matapos na manganib ang kampanya ng nangungunang San Beda Red Lions dahil sa nagtamo ng punit sa kanang ACL (anterior cruciate ligament) ang  Cameroonian na si Donald Tankoua sa 90-82 panalo ng Red Lions kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa The Arena sa San Juan City noong Biyernes.

Kinumpirma mismo nina San Beda coach Jamike Jarin at manager Jude Roque ang ulat Sabado.
“We already knew last night (Friday),” sabi ni Jarin.

“Yes, it’s true,” dagdag pa ni Roque.

Malaking kawalan ang 6-foot-6 na si Tankoua sa kampanya ng Red Lions. Siya ay may average na 16 puntos, 11 rebounds at 1.5 blocks kada laro.

Binuksan din nito sa ibang koponan ang labanan para sa titulo bagaman hawak ng Red Lions ang liderato sa 10-1 (win-loss) record sa unahan ng Arellano University (9-2), University of Perpetual Help (8-3), Mapua Institute of Technology (6-4), Jose Rizal University (5-5), Letran (5-5) at Lyceum of the Philippines University (5-5). Nasa hulihan ang EAC (3-8), San Sebastian College (2-9) at College of St. Benilde (0-11).

Sinabi na lamang ni Jarin na kailangan ng buong koponan ngayon na itaas ang kanilang laro sa pagkawala ni Tankoua.

“We need effort from the whole team to make up for the absence of Donald (Tankoua),” sabi pa ni Jarin.

Read more...