UMAPELA ang pamilya ng naarestong radio DJ na si Karen Bordador na itigil na ang pamba-bash at pang-aalipusta sa dalaga.
Kaisa raw sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga pero hindi naman tama na husgahan agad si DJ Karen base lang sa isinagawang anti-drug operation ng mga pulis.
“Karen has always been a kind-hearted, caring, thoughtful, generous and loving person. She would be the last person to engage in activities that might bring harm to others,” ayon sa statement ng pamilya ni Karen.
“Please help us encourage Karen by acknowledging the good things that she has done. “We pray to God for Divine Protection, Justice and Truth during this very trying time. Lahat tayo’y haharap din sa tunay na hustisya na galing sa Panginoon,” sabi pa ng pamilya ng DJ.