Robin kinampihan si Digong: Wala siyang ginagawang mali!

robin padilla at rodrigo duterte

PARA kay Robin Padilla, walang ginawang mali si Pangulong Rody Duterte matapos nitong akusahan si dating Department of Justice secretary Leila de Lima na tumanggap diumano ng drug money at may relasyon din diumano sa kanyang driver.

“Basta ako, sa aking palagay, walang ginagawang mali ang ating pangulo. Paumanhin sa inyong lahat, sapagkat ako ay naniniwala hanggang sa mga oras na ito, magmula nu’ng una niyo akong tinanong patungkol kay Mayor.

“Hanggang sa mga oras na ito naniniwala po ako, para sa akin, napakabait pa po niya, binibigyan niya ng pagkakataon ang mga gustong magbago.

“Kapag ako naman po ay nasagasaan dito ay hindi po ako magrereklamo bilang isang Pilipino na gusto ng pagbabago,” mahabang pahayag ni Binoe nang makausap ng press sa media conference para sa bago niyang endorsement, ang Bravo Food Supplement for men kasama ang utol niyang si Rommel Padilla. Ang Bravo Food Supplement ay para sa mga lalaking gustong tumagal sa pakikipagtalik.

Read more...