Badjao Girl bine-baby ng PBB housemates; di biktima na pambu-bully

badjao girl

WE believe na wala namang bullying and racism sa Pinoy Big Brother.

OA na naman maka-react ang ilan about PBB. There were many who were saying na there’s bullying and racism in the show.

What’s even worst is that those who react don’t even get to watch the show and were just riding on the controversial headlines online.

Napapanood ko itong PBB tuwing late night at wala namang bullying na nagaganap. Ang tinatawag nilang “bullying” ay simpleng away bata lang kung iisipin. Example of this is the recent episode where some housemates allegedly made fun of Rita Gaviola’s undergarment.

It was not a form of bullying. Sa katunayan masyado pa nga nila itong nabe-baby dahil todo ang pang-unawa nila sa tinaguriang Badjao Girl.

Pinagpapasensyahan nito at pinapangaralan na parang mga ate at kuya niya sa loob.

Some detractors have raised the issue of racism. There was no discrimination in the show. No one has bashed her because of her coming from an ethnic group.

Kailanman ay hindi pinuna ng housemates ang pagiging Badjao niya. It is also noticeable na comfortable naman si Rita sa loob ng Bahay ni Kuya, meaning, everyone was nice to her.

That said, we felt na wala naman talagang problema sa show. Ang may problema ay ang mga taong OA mag-react at blogs na eksaherada ang headline para lang dumami ang mag-click sa site nila.

We felt na kaya pinupukol ang PBB ay dahil marami pa rin talaga ang sumusubaybay at interesado sa kwento ng teen housemates.

Read more...