Talkshow ni Kris sa GMA hinahanda na?

kris aquino uli

HINIHINTAY na ng buong bayan ang pagdating ng Triple A Management team mula sa Hong Kong.

Mainit na kasi ngayon ang usapan tungkol sa paglipat daw ni Kris Aquino sa GMA 7 matapos itong pumirma ng management contract sa Triple A ni Mr. Tony Tuviera na siyang nangangalaga ngayon sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Ang unang napabalita si Mr. Tuviera na ang mamamahala sa mga endorsements ni Kris pero malaki rin ang posibilidad na gumawa rin ang Queen of All Media ng mga proyekto under APT o TAPE Inc., na producer naman ng Eat Bulaga.

Ang tanong ng bayan, tuluyan na nga kayang lumipat si Kris sa GMA ngayong nasa kuwadra na siya ni Mr. T? Totoo kaya na pinag-uusapan na rin ang gagawing talkshow ni Kris sa Kapuso Network na posible raw mapanood bilang pre-programming ng Eat Bulaga?

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay wala pang official statement si Kris, kaya hintayin na lang natin ang magiging litanya niya about this.

Read more...