Heart sa bashers: Hindi na sila nag-e-exist sa buhay ko!

heart evangelista

WALANG panahon sa bashers si Heart Evangelista. Nagsulputan kasing muli ang kalaban ng Kapuso actress nang ihayag ang pagkakaroon ng exhibit ng mga Hermes bag na kanyang pinintahan (Sept. 3 to 9) sa Volkswagen Showroom sa Bonifacio Global City.

Kahit nga umaarko ang kilay sa ginagawa ni Mrs. Chiz Escudero, never siyang nagpaapekto sa mga ito at thankful nga siya sa mga kliyente niyang ipinagkatiwala ang kanilang mamahaling bags para kanyang pintahan.

“I appreciate and I’m super duper thankful that the people that have their bags painted really appreciated my work. But the bashers, I have no space for them and they don’t exist in my life,” diin ng lead actress ng seryeng Juan Happy Love Story ng GMA.

Isa si Lovi Poe sa mga nagpapinta ng Hermes bag sa kanya. Wala nga lang siyang alam sa panibagong intriga sa kaibigan. “I don’t know. Pero si Heart talaga, hobby niya ‘yung art. Kahit ‘yung bag ko nasa kanya. Pipintahan niya.

“Ako what’s better is lagi kaming magkausap. Lagi kaming nagku-communicate ng group friends namin,” saad ni Lovi nang makausap sa presscon ng Someone To Watch Over Me kapareha si Tom Rodriguez.

Read more...