Jaclyn Jose: Gusto ko talagang maging singer kesa artista!

jaclyn jose

KAHIT daw nakilala sa larangan ng pag-arte, may isang bagay daw talaga gustong gawin si 2016 Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose noon pa—ang pagkanta.

“Ang frustration ko talaga is gusto ko talaga maging singer kesa mag-artista. Marunong ako kumanta pero out of tune. Dati nga nung araw, pinag-aaral ako ng nanay ko ng singing.

“Kaso isang line pa lang pinapakanta sa akin, wala di ko talaga makuha ang tono. Ha-hahaha! Kaya pag may chance ako kumanta onstage, ineenjoy ko talaga! Ang saya kasi,” natatawang kwento ng mahusay na aktres.

Ngayong Sabado, nakatakda sa isang kaabang-abang na battle face off sa kanyang A1 Ko Sa’Yo co-star na si Roi Vinzon si Jaclyn sa Lip Sync Battle Philippines sa GMA.

Read more...