Totoo ba, Marian nakiusap sa GMA na i-extend pa ang morning show?

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

HINDI namin alam kung anong petsa ng Agosto ang kaarawan ni Mrs. Dingdong Dantes, and we couldn’t care less.

Pero ang nasagap namin from a reliable source, masidhing nakiusap daw ang primetime show-less actress sa GMA management na paabutin man lang daw hanggang birthday niya ang kanyang morning show.

Teka, what difference would it make kung sisibakin ‘yon bago ang kanyang birthday gayong titigbakin din naman ‘yon sa ere?

GMA being a compassionate network ay pinagbigyan nila ito, but just the same, hanggang doon na lang ‘yon. No more extension.

Pina-exit na rin ang kanyang karakter sa fantaserye ng network which, according to our same source, offers nothing new anyway except that naiba lang ang mga gumaganap na artista.

A hosting flop and an epic flop for Mrs. Dantes at the same time are simply too much to take, ha?

Read more...