NAGPALABAS na ang Social Security System (SSS) ng mahigit 300,000 membership numbers sa pamamagitan ng website nito sa loob ng siyam na buwan.
Ito matapos ilunsad ang online service noong Setyembre 2015 na mas mabilis at madaling paraan para makakuha ng social security (SS) number.
Halos 80 porsiyento ng humigit-kumulang 313,000 na nag-aplay online para sa SS number ay 18 hanggang 26 anyos base sa rekord ng SSS noong Hunyo 2016.
Sa pamamagitan nito, pwede na ang electronic na transaksyon sa halip na pipila pa ang aming mga miyembro sa mga sangay at opisina
Tanging ang mga indibidwal edad 59 pababa ang maaaring mag-aplay ng SS number sa mga sa-ngay ng SSS o sa pama-magitan ng SSS website (www.sss.gov.ph).
Para maging permanente ang kanilang temporary SS number, kinakailangang magpunta ang miyembro sa kahit na saang sangay ng SSS at isumite ang orihinal or certified true copy ng kanilang birth o baptismal certificate o ibang pang dokumento ng pagkakakilanlan.
Kailangang permanente ang SS number para makinabang sa mga benepisyo at pautang ng ahensya.
Kapag nasa SSS homepage, kailangang pindutin ng miyembro ang “No SSS number yet? Apply Online” tab na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website. Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na siyang unang makikita ng miyembro bago makausad sa online .
Para makumpleto ang rehistrasyon, kinakailangang suriin ng aplikante ang mga impormasyon na kanilang nilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.
Pagkatapos ilabas ang SS number, ipapakita sa screen ang personal record at SS number slip. Maaari itong i-print bilang katibayan ng kanilang online registration.
Para sa mga gusto ng manual na proseso sa pagkuha ng SS number, maaaring magpunta sa alinmang sangay ng SSS at service office.
Mr. Renato Malto
Assistant Vice President at Officer-in-Charge ng Service Delivery Department
SSS
amv
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.