Robin bibida sa bagong pelikula, tisay na hugot queen ang makaka-loveteam

robin arci bela

KINUMPIRMA ni Bela Padilla na konsepto niya ang kwento ng latest movie offering ng Viva Films titled “Camp Sawi” when she guested sa Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN.

She’s in the middle of the shoot ng first movie produced by her boyfriend Neil Arce, ang N2 (squared), na “10,000 Hours” nu’ng mabanggit niya na sana raw may rehab din para sa mga broken hearted. Doon naisip nila na mag-produce ng movie tungkol sa rehab para sa mga sawi .

Noong umpisa ay sinubukan ni Bela na siya na mismo ang magsulat ng script. But she felt na magkakaroon ng biases kung siya ang susulat ng kuwento. So, she suggested to Neil na ipagawa na lang ang buong script sa isang guy para may punto-de-vista rin ng lalaking sawi.

Pero wala raw silang makuha na writer para isulat ng buo ang script ng “Camp Sawi” until inirekomenda ng director na kabigan ni Neil na si Joyce Bernal ang kanyang protégé na si Irene Villamor. Naisulat daw ng tama sa panlasa nina Neil at Bela ang kuwento at naisip nila na siya na rin ang magdirek ng movie. No wonder, present din si Direk Joyce sa presscon ng “Camp Sawi” dahil all-out ang suporta niya kay Direk Irene at sa kaibigan niyang si Neil.

Kung hindi kami nagkakamali, this is the second film na ipinrodyus ni Neil after ng “10000 Hours” na umani ng maraming award sa MMFF at iba’t ibang award giving bodies.

Incidentally, nakausap namin si Neil sa presscon ng “Camp Sawi” at tinanong namin kung may plano ba siya na sumali ulit sa MMFF. Mabilis ang pag-iling ni Neil bagaman sinabi niya na may pinaplano na sila na next project na malaki rin ang budget.

Si Robin Padilla ulit ang bida at si Direk Joyce ulit ang magdidirek. Pero malamang next year na raw ‘yun ipalabas and definitely, hindi nila isasali sa MMFF. And guess n’yo kung sino ang leading lady ni Robin for this project?

Walang iba kundi ang isa rin sa mga pwedeng mahanay sa listahan na pwedeng umangkin bilang “hugot movie princess” at isa sa mga bida sa “Camp Sawi” na si Arci Muñoz.

On a personal note, we asked Neil kung hindi pa ba sila nagpaplanong magpakasal ni Bela since matagal na rin naman silang magkarelasyon. Sey ni Neil, mukhang malayo pa dahil nakikita niya na marami pang gustong i-explore si Bela sa kanyang career.

He wants her to spread her wings more para by the time na they both decided na mag-settle down, e, walang sisihan or regrets. At the same time, busy din naman si Neil sa kanyang career as a producer at sa iba pa niyang negosyo. Also, they’re still both young para magpakasal.

Anyway, ang “Camp Sawi” ay pinagbibidahan ng lima sa pinakamaiinit na aktres ngayon, sina Andi Eigenmann, Yassi pressman, Kim Molina, Arci and Bela.

Lahat sila mag-e-emote at huhugot ng tapang at lakas mula sa gwapo head coach at resident chef ng “Camp Sawi” na si Louie portrayed by Sam Milby. Showing na ito on Aug. 24.

Read more...