Deguito inaresto sa grocery; nakalaya

Deguito-Kim-Wong-620x440PINALAYA ng Makati police ang dating manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na isinasangkot sa $81-milyong Bangladesh bank fund heist matapos magpiyansa kahapon ng madaling araw.
Nakalabas ng kulungan si Maia Deguito ala-1:15 ng umaga makaraang maglagak ng P6,000 sa kasong perjury.
Sa kabila ng kautusan ni Pasay Metropolitan Trial Court Judge Remibiel Mondia na palayain si Deguito alas-11 ng gabi ay nagpalipas pa rin ito ng gabi sa detention cell ng Makati police headquarters.
Sinabi ng abogado ni Deguito na si Ferdinand Topacio na kailangang pa nilang makakuha ng mga kopya ng kaso at resolusyon ng piskal.
Inaresto si Deguito ng mga pulis habang nasa harap ng mall.

Read more...