Kongresista nagpapatak-patak para may maibigay sa silver Olympian na si Hidilyn Diaz

  hidylin diaz
Nagpapatak-patak ang mga kongresista para mayroon silang maibigay sa silver Olympian na si Hidilyn Diaz sa pagpunta nito sa Kamara de Representantes sa susunod na linggo.
     Ayon kay Zamboanga City Rep. Celso Lobregat mayroon ng 145 kongresista na pumayag na kaltasan ang kanilang suweldo ngayong buwan para ibigay kay Diaz.
     Hindi naman sinabi ni Lobregat kung tig-magkakano ang ibinibigay ng mga mambabatas ng kusang loob.
     Umaasa si Lobregat na aabot ng P1 milyon ang malilikom na pera. “It’s not the amount, it’s the gesture.”
     Kinausap umano ni Lobregat si Speaker Pantaleon Alvarez at ito ang unang pumirma para maglaan ng pera kay Diaz.
     Si Diaz ay mula sa Zamboanga kung saan kongresista si Lobregat.
     Si Lobregat ang nag-aayos ng pagpunta ni Diaz sa Kamara para sa kanyang parangal matapos na manalo sa 53-kilogram weightlifting competition sa Rio Olympics.
      Hinimok pa ni Lobregat ang kanyang mga kasama sa House committee on appropriations na tumulong sa pangangalap ng pondo.

Read more...