WAITING ang media sa pagdating ng management team ng Triple A Management mula sa Hong Kong.
Kalat na kasi ang balitang si Kris Aquino ang bago nilang artist. Nagkaroon na raw ng pirmahan at makakasama na niya sina Marian Rivera at Maine Mendoza sa talent management ni Mr. Tony Tuviera.
Si Mr. Tuviera ng APT Entertainment ang mamamahala raw sa career ni Kris sa commercial.
Posible rin siyang gumawa ng pelikula under APT depende nga sa nakalagay sa kanyang kontrata.
Pero hindi pa sigurado kung lilipat na rin siya sa GMA. May balita rin kasi na may talk show daw siyang gagawin sa Kapuso network.
Once na kumpirmahin na ang naganap na contract signing sa pagitan ng dalawang kampo, malamang na i-share rin ito ni Kris sa kanyang social media account.