Makakaahon pa ba sa kahirapan?

Sulat mula Elias ng  Malitbog, New Corella, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,

MAHIRAP lang kami kaya namomroblema kami kung saan hahanap ng pera. Sa ngayon ay tadtad kami ng utang sa kung saan-saang ahensya at tao, marami tuloy ang naghahanap at naniningil sa akin. Hindi ko nga malaman kung saan ako magtatago. At bukod sa mabigat na problema sa pera, may sakit pa ako sa ngayon. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay kaya lang naaawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matulungan n’yo ako kung paano ko lulutasin ang problemang ito sa pera? At sa palagay n’yo may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Kung mayroon pa sa paanong paraan po kaya? March 10, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Elias ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay at nakiisa na Guhit ng Tulong Mula sa Isang Kamag-anak o mula sa isang Kaibigan (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong Fate Line (2-2 arrow 1.) na nagsasabing sa tulong ng isang malayong kamag-anak na nakatakdang dumating sa inyong lugar, tiyak ang magaganap – biglang magbabago ang buhay ng iyong pamilya na may kaugnayan sa pinansyal na bagay.

Cartomancy:
Nine of Diamonds, Queen of Diamonds, at King of Hearts (Illustration 1.), ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing dahil sa isang kabutihang matagal mong ginawa, isang mag-asawa na mayaman ang darating at tutulong sa inyo sa aspetong pang-pinansyal hanggang sa tuloy-tuloy na kayong umasenso at umunlad.
Magaganap ang nasabing magandang kapalaran sa susunod na buwan ng Setyembre sa taon ding ito ng 2016.
Itutuloy

Read more...