Chavit: Hindi ako masamang tao, wala akong niloko!

chavit singson

BONGGA talaga si Papa Chavit Singson. Ramdam na ramdam namin ang excitement niya sa gaganaping Miss Universe sa Pilipinas sa January, 2017.

“Ibinabalik ko lang lahat ng blessings na natatanggap ko,” sey nito tungkol sa malaking halaga na kanyang isi-share sa pagho-host ng bansa sa tinaguriang most popular and most prestigious beauty pageant in the world.

Saan pa naman daw niya gagamitin ang na-acquire niyang yaman kundi sa mga proyektong sa tingin niya ay makakatulong sa bansa at sa mas maraming Pinoy sa mundo. “Matutulungan ang bansa natin sa aspeto ng turismo. May mga mabibigyan ng trabaho.

Makakatulong din ito sa maganda nating imahe sa buong mundo. Siyempre ang kasunod noon ay mga foreign investors. Iikot lang iyan, kaya hindi nakakapanghinayang na mamuhunan,” dagdag pa ng dating governor.

Bukod sa pagiging active ni Manong Chavit sa sports and politics, ngayon ay mayroon na rin siyang entertainment cum travel show sa TV, ang Happy Life na mapapanood sa GMA o sa GMA News TV mula sa direksiyon ni Eric Quizon.

“Ilang taon na lang siguro ang nalalabi sa buhay ko. Who knows kung kailan tayo magpapahinga ng tuluyan, pero sa ngayon, masaya ako na nakakapag-share sa mga tao. Basta ang proyekto ay hindi dole out, kundi reward system, solid ang suporta ko,” sey pa nito.

At nang itanong nga sa pamosong personalidad kung paano niya gustong maalala ng mga tao, sagot nito, “Gusto kong maalala nila ang isang tao na nagsasabi at gumagawa ng totoo. Hindi ako sinungaling, hindi ako masamang tao.”

Bet na bet namin ang vision ni Manong Chavit dahil ang tsika, aabot ng limang milyong dolyar ang kontribusyon niya sa gaganaping 2017 Miss Universe dito sa bansa and this early nga ay may mga plano na siya kung paanong gagamitin ng 30 Miss Universe candidates ang mga na-acquire niyang private bus, bonggang luxury yatch na may 200 plus capacity at ang kanyang 747 airplane na may 150 capacity.

Read more...