Marital problem nina Melai at Jason wala pa ring solusyon

melai contiveros

Kung ang pagbabasihan ay ang naging pahayag ni Melai Cantiveros sa episode ng Magandang Buhay kahapon ng umaga, mukhang hindi pa nga nila naaayos ni Jason Francisco ang kanilang mga problema.
May mga kumalat kasing chika na si Jason daw ang umalis sa bahay nila ni Melai at hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin ito bumabalik.

Naiyak uli si Melai nang mapag-usapan ang tungkol sa mga daddy at mga anak na babae. Guest nila kahapon si Yassi Pressman at ang foreigner dad nitong si Ronnie. Nagkuwento ang mag-ama tungkol sa kanilang bonding moments.

Dito na naiyak si Melai dahil naalala raw niya ang kanyang mag-ama na sina Jason at Mela na super close rin daw. Umiiyak na chika ng TV host-comedienne, “My daughter is daddy’s girl. That’s why the two of you remind me of my mag-ama.”

Nang tanungin ni Yassi kung nasaan ngayon si Jason, ang mabilis na tugon ni Melai, “In my heart.”
Nauna nang sinabi ni Melai na ipaglalaban niya ang kanyang asawa para hindi tuluyang masira ang kanilang pamilya. Mahala na mahal daw niya si Jason at hindi niya kayang mabuhay ng wala ito.

Read more...